Thursday, August 25, 2011

Choleric, Sanguine, Phlegmatic at Melancholic. Ano ka sa apat?

First time kong sumagot ng temperament test kanina. Grabe, hindi siya ganun kadali ha. Talagang iisipin mong mabuti kung ganyan ka ba talaga ng pagkatao o hindi, o kaya'y may ganyan ka bang ugali o wala. Para ka na ring kumuha ng Licensure Exam kapag ikaw ay sasagot ng isang temperament test, ang hiraaap! Kasi naman sarili mong ugali at karakter ang iyong binabasehan. Hindi naman pwedeng ibang tao ang sasagot ng temperament test para sa iyo noh. Kaya dapat kung sasagot ka nito, seryosohin mo.

Photo Courtesy


Ang resulta sa aking test ay Sanguine. Ibig sabihin niyan ay:

tend to enjoy social gatherings, making new friends and tend to be boisterous. They are usually quite creative and often daydream. However, some alone time is crucial for those of this temperament. Sanguine can also mean very sensitive, compassionate and thoughtful. Sanguine personalities generally struggle with following tasks all the way through, are chronically late, and tend to be forgetful and sometimes a little sarcastic. Often, when pursuing a new hobby, interest is lost quickly when it ceases to be engaging or fun. They are very much people persons. They are talkative and not shy. People of sanguine temperament can often be emotional.


TUMPAK NA TUMPAK. Sanguine nga. Ganun kasi talaga ako.  E Ikaw? Ano ka? Choleric, Sanguine, Phlegmatic o Melancholic?

Search ka sa Internet kung gusto mong kumuha ng temperament test, madami dyan. Pero kung ayaw mo ng mag-search pa, subukan mo 'tong link. Maganda siya sa link na 'yan kasi may mga eksplanasyon kang mababasa pagktapos mong sagutin ang test.


Maganda rin itong basahin para sa karagdagang impormasyon.



Nagmamahal,

Morenang Dabawenya

Monday, August 22, 2011

Morena ako. And I'm proud of it.

Photo Courtesy
                                                                            

At dahil pinaka unang post ko 'to sa blog ko, nararapat lamang na espesyal 'to.

Sa totoo lang, tungkol sana sa Kadayawan ang unanag post ko kasi nga ang Davao City ay nagdidiwang ng 26th Kadayawan Festival sa buwang ito, kaso pakiramdam ko, ang dami ng bloggers ang nakapag sulat na tungkol sa nangyari sa Kadayawan at feeling ko madadagdagan pa. O ready ka na sa 1st post ko?

Halata naman siguro noh. Sa pamagat palang, "Morena ako. And I'm proud of it." masasabi mo na kung tungkol saan ang first post ko. 

Ano ba ang ibig sabihin ng morena? Saan galing ang salitang ito? Actually, di ko rin alam e, napa search tuloy ako. Ayon sa urban dictionary: 

A Spanish word used to describe ladies  who are pretty/attractive with dark skinned.  {morrrr -ay- n- ah}
Oh ha! Ang sarap sa feeling noh? Natatangi talaga ang ganda mo teh! Hindi lang yan, kung akala mo ang mga mestiza lang ang kinaiinggitan ngayon, pwes nagkakamali ka dyan. Kasi lumelevel-up na ang mga Morena. Kaya huwag kang malungkot kung hindi ka man maputi, dapat pa nga matuwa ka. Blessing yan, okei?

Actually, ang dami kong kakilala na proud sila kasi morena sila. At ang dami ring mga sikat na Pinay ngayon na hindi nagpapadala sa gluta. Siguro naman kilala mo sina Bianca Gonzales, Angel Aquino, Mylene Dizon, Alessandra de Rossi, Bubbles Paraiso, Aubrey Miles, Nicole Scherzinger (Miyembro ng Pussycat Dolls), at marami pang iba! Kaya sana, maging proud ka narin, diyan sa morena mong skin.

May nakita ako sa Internet na Limang Dahilan Kung Bakit Masarap Maging Morena. Ito ang site: 

Sana ok na tong first post ko. Grabe na rin ang words of encouragement na ginamit ko noh. Kung di ka parin kuntento, malamang bukas i-cocontact mo na si Doktora Belo o kaya ay si Calayan. Huwag naman sana. Sayang ang pera. Pwede mo na yang pambili ng pagkain para sa iyong pamilya. 


Nagmamahal,

Morenang Dabawenya